I. Noon
Sa ugoy ng duyan,
Ipinaghehele ako ni nanay
Sa saliw ng mga oyaying sanadaang henerasyon nang
inaawit.
Sa bawat kumpas at pagbigkas ng mga lirikong huwad,
Kasabay ang ingay ng mag kuliglig sa labas,
Buhay ko’y langit sa kandungan ni Nanay….
II. Ngayon
Ang duyan ay matagal nang nabulok sa sulok.
Ang inay ay matagal nang namaos sa pag-awit ng mga
oyaying pamabata.
Ang mga kuliglig ay nangamatay na’t napalitan…
Ng
sigaw sa lansangan ng naghihinagpis na masa.
Ng
putok ng armalayt at bagwis nl Kamatayan.
Ng
tinig ng malagim na realidad.
Ngayon, ito na ang oyaying sinasaliwan ng akong puso’t
isipan.
Mga oyaying nagpapahiwatig…
Na ang buhay’ di langit at ang awit ni ina’y matagl nanag
inanod
Ng hanging tigang.
No comments:
Post a Comment